ROSARIO, Cavite — Arestado ang isang suspek matapos holdapin ang isang pawnshop sa Brgy. Tejeros at tangayin ang mga alahas at baril ng security guard, ayon sa ulat ng pulisya.
Naganap ang insidente bandang alas-8:10 ng umaga nang pasukin ng suspek na kinilalang alyas “Shama” ang Palawan Pawnshop habang armado ng baril at patalim. Agad nitong tinutukan at pinadapa ang duty guard bago kinuha ang service firearm.
Gamit ang narekober na baril, binasag ng suspek ang salaming estante at nilimas ang mga naka-display na alahas bago tumakas sakay ng motorsiklo.
Sa isinagawang follow-up operation, natunton at naaresto ng Rosario Police ang suspek sa Brgy. Tejeros Convention. Narekober mula sa kanya ang isang 9mm pistol na may mga bala, kitchen knife, motorsiklo, at mga damit na ginamit umano sa krimen.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya habang hindi pa nababawi ang mga ninakaw na alahas.
Source: Philstar
Discover more from CALABARZON TRENDS
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply