Advertisement

MAYOR MAGBITANG, TUMUTOL SA PLANONG ₱300-MILYONG HOUSING PROJECT SA NAIC; KAKULANGAN SA PANGUNAHING PASILIDAD, IPINUNTO

NAIC, CAVITE — Tinutulan ni Naic Mayor Rommel Magbitang ang planong ₱300-milyong housing project na may kaugnayan sa mga programa ng National Housing Authority (NHA) at Department of Transportation (DOTr), na inaasahang magdadagdag ng tinatayang 20,000 katao sa populasyon ng bayan.

Ayon sa alkalde, kailangang unahin munang tugunan ang kakulangan sa mga pangunahing pasilidad sa mga kasalukuyang relocation site bago magdagdag ng libo-libong pamilyang ililipat sa Naic.

Kabilang sa mga kailangang ihanda at paunlarin ang mga paaralan, daycare center, health center, maayos na kalsada, suplay ng tubig at kuryente, gayundin ang iba pang imprastrakturang mahalaga sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Binigyang-diin ni Magbitang na hindi sapat na magkaroon lamang ng mga bahay kung hindi naman matutugunan ang pangangailangan ng mga lilipat na pamilya sa edukasyon, kalusugan at iba pang serbisyong pampubliko.

Nais din ng alkalde na matiyak na may sapat na kapasidad ang Naic na tumanggap ng karagdagang populasyon upang hindi higit na mabigatan ang mga umiiral na pasilidad at serbisyo ng bayan.

Giit niya, kailangang maging handa ang buong komunidad at hindi lamang ang mismong housing units bago ipatupad ang karagdagang relokasyon.

Courtesy: CaviteConnect


Discover more from CALABARZON TRENDS

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from CALABARZON TRENDS

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading