Advertisement

ISA SA APAT NA SUSPEK SA PANGHOHOLDAP SA BARANGAY KAGAWAD, ARESTADO

MANILA — Arestado ang isa sa apat na suspek sa panghoholdap sa isang barangay kagawad na natangayan ng tinatayang ₱200,000 halaga ng alahas at pera sa Quiapo, Maynila.

Dinakip ang 29-anyos na suspek sa Batangas Street, Tondo, noong Nobyembre 5, matapos ang follow-up operation ng mga pulis.

Batay sa CCTV, naganap ang insidente noong Oktubre 31 sa San Rafael Street, kung saan naghahanda ang biktima na bumiyahe patungong Batangas para sa Undas. Nilapitan umano siya ng mga suspek, tinutukan ng baril at tinangay ang kaniyang alahas at wallet.

Narekober ang wallet sa isang ilog sa Parañaque City, ngunit hindi pa natatagpuan ang mga alahas. Patuloy ang paghahanap sa tatlo pang suspek.


Discover more from CALABARZON TRENDS

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from CALABARZON TRENDS

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading