Advertisement

WAREHOUSE SECTOR SA PILIPINAS, PATULOY ANG PAGLAKI; CALABARZON, ISA SA PANGUNAHING LOKASYON NG INDUSTRIYA

Patuloy ang paglago ng warehouse at logistics industry sa bansa, na pinalalakas ng pagdami ng online businesses, e-commerce at mga pamumuhunan sa manufacturing.

Batay sa pagsusuri ng Lobien Realty Group (LRG), tinatayang aabot sa US$1.2 bilyon ang halaga ng warehousing sector pagsapit ng 2030, mula sa tinatayang US$750 milyon noong 2022, katumbas ng 6.5 porsiyentong taunang paglago.

Kabilang ang CALABARZON sa pangunahing sentro ng warehouse facilities sa bansa, kasabay ng Metro Manila. Tinatayang sangkatlo ng kabuuang warehouse space ay nasa rehiyon, kung saan aktibo ang mga negosyo sa logistics, e-commerce at manufacturing.

Sa datos ng LRG, kabilang sa mga lugar na may mataas na karaniwang upa sa warehouse ang Batangas na nasa ₱283 kada square meter bawat buwan, Laguna na ₱264 at Cavite na ₱227.

Nakatulong sa paglago ng sektor ang pagdami ng online sellers noong pandemya at pagpasok ng karagdagang pamumuhunan sa manufacturing. Mula 2022 hanggang 2025, umabot sa ₱932.17 bilyon ang investment approvals ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA).

Samantala, umabot sa 292,000 square meters ang pangangailangan sa warehouse space sa Luzon noong ikatlong quarter, mahigit doble kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon, ayon sa ulat.

Inaasahang magpapatuloy ang pangangailangan sa warehouse facilities habang lumalawak ang kalakalan, online selling at mga industriyal na operasyon sa bansa. #

#CalabarzonTrends
#CalabarzoNews
#CALABARZON


Discover more from CALABARZON TRENDS

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from CALABARZON TRENDS

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading