Nakibahagi ang Restore Solutions PH sa Smart Recycling Program ng Kababaihan ng Dasmariñas sa Bagong Milenyo (KDBM) sa Brgy. Sta. Cruz 1, na pinangunahan nina KDBM President Menalyn Andrada at Brgy. Captain Kerby Andrada.
Dinala sa lugar ang Smart Recycling Xpress (SRX), kung saan kinokolekta ang plastic sachets tulad ng shampoo, kape, at snack packaging upang i-recycle at gawing “Restore Boards”—matitibay na materyales na maaaring gawing furniture at iba pang gamit.
Dinaluhan din ang programa ng mga lokal na opisyal kabilang sina SPM Doc Daisy Alvarez, SPM Glenn Malihan, SPM Azlie Guro, at iba pang kinatawan ng pamahalaang lungsod.
Layunin ng programa na mabawasan ang plastic waste at mahikayat ang komunidad na makilahok sa recycling at upcycling initiatives, upang maiwasan ang pagdami ng basura sa kalsada, ilog, at karagatan.
Hinihikayat ang mga residente na ipunin ang kanilang plastic sachets at makipag-ugnayan sa KDBM para sa detalye ng programa.
Source: Boss Kaka
Discover more from CALABARZON TRENDS
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply