Advertisement

GROW YOUR NEGOSYO NG BDO NETWORK BANK, DINAGSA NG MGA LOKAL NA NEGOSYANTE SA NAIC; COCO MARTIN, NAGHATID NG INSPIRASYON BILANG BRAND AMBASSADOR

NAIC, Cavite — Pinalawak ng BDO Network Bank (BDONB) ang kaalaman ng mga lokal na negosyante sa pamamahala ng puhunan, financing at digital payment solutions sa pamamagitan ng Grow Your Negosyo nitong Huwebes, Oktubre 29, sa Arena, Stadium Shopping Strip sa Naic, Cavite.

Dumalo sa programa ang mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) upang matuto ng mga estratehiya sa pagpapaunlad ng negosyo, kabilang ang wastong pagpaparehistro at pagkuha ng suportang pinansyal, sa tulong ng mga kinatawan ng Naic Business Permits and Licensing Office na dinaluhan din ni Naic Mayor Rommel Magbitang.

Ipinakilala rin ng BDONB ang mga serbisyong pinansyal na maaaring makatulong sa pangangailangan ng mga lokal na negosyante. Tampok sa aktibidad si Coco Martin, brand ambassador ng BDONB, na nagbahagi ng mensahe tungkol sa kahalagahan ng sipag, tiyaga, determinasyon at tamang pagpapasya sa pagnenegosyo.

Nilinaw naman ng BDONB at CASH AGAD na maaaring isagawa sa magkaparehong proseso ang ilang transaksyon ng BDO Network Bank at BDO Unibank.

Sa pamamagitan ng programa, layon ng BDONB na mas mailapit ang mga serbisyong pinansyal sa mga negosyante sa mga lalawigan, kabilang ang Naic, Cavite, at makatulong sa pagpapatatag at pagpapalago ng kanilang kabuhayan. #RPB

#NaicUpnext
#BDONetworkBank

Leave a Reply

Discover more from CALABARZON TRENDS

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading