Advertisement

BDO NETWORK BANK, KATUWANG NG MGA PILIPINONG NEGOSYANTE SA PAGPAPAUNLAD NG MALILIIT NA NEGOSYO

NAIC, CAVITE — Isinagawa nitong Huwebes, Oktubre 29, Ang Grow Your Negosyo ng BDO Network Bank (BDONB) na ginanap SA Arena, Stadium Shopping Strip, Naic Cavite, upang bigyang kaalaman ang mga lokal na negosyante sa pamamahala ng puhunan, financing at digital payment solutions.

Layunin ng BDO Network Bank na tulungan ang mas maraming maliliit na negosyante sa bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng access sa serbisyong pinansyal at oportunidad na mapalago ang kanilang negosyo.

Ayon kay Alberto O. Quiogue, COO ng BDO Network Bank (middle), mahalagang suportahan ang micro, small, and medium enterprises (MSMEs) dahil hindi lamang mga may-ari ng negosyo ang nakikinabang sa kanilang pag-unlad kundi pati ang mga manggagawa at iba pang sektor ng komunidad.

Binigyang-diin naman ni Norman Vic C. Aycocho, Loans Sales Head ng BDO Network Bank (right), ang pagsusulong ng financial inclusion upang maabot ang mga negosyanteng kulang sa access sa serbisyong pinansyal at mabigyan sila ng pagkakataong umunlad at mapalawak ang kanilang kabuhayan.

Samantala, sinabi ni Jaime M. Nasol, Business Head ng BDO Agency Banking/Cash Agad (left), na direktang nakikipag-ugnayan sila sa mga tindahan at maliliit na negosyo sa pamamagitan ng kanilang sales and marketing effort upang matulungan ang mga negosyante na mapalago ang kanilang hanapbuhay.

Hinikayat din nila ang mga negosyante na gawing rehistrado ang kanilang negosyo upang mas mapalawak ang oportunidad para sa kanilang pag-unlad sa pamamagitan ng BDO Network Bank na handang umalalay.

Kasabay nito, binigyang-diin ng BDONB ang kahalagahan ng pag-iimpok bilang paghahanda sa edukasyon ng mga anak at mga hindi inaasahang gastusin. Dagdag pa nila, na maaaring gawin ang mga kaugnay na transaksyon sa BDO Unibank at BDO Network Bank na pareho din ang pagproseso at walang pagkaantala. #RPB

#NaicUpnext
#BDONetworkBank


Discover more from CALABARZON TRENDS

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from CALABARZON TRENDS

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading