Advertisement

PARUPARO FESTIVAL 2026, OPISYAL NANG BINUKSAN ANG FOOD BAZAAR AT TRADE FAIR SA DASMARIÑAS

DASMARIÑAS CITY, CAVITE — Pormal nang binuksan ang Paruparo Festival 2026 Food Bazaar and Trade Fair sa Parking Grounds ng City Government Center sa Dasmariñas City, Cavite bilang bahagi ng taunang pagdiriwang ng lungsod.

Tampok sa aktibidad ang iba’t ibang lokal na pagkain, produktong gawa ng mga Dasmarineño at paninda mula sa iba’t ibang lokal na negosyo. Layunin nitong bigyan ng pagkakataon ang mga negosyante, partikular ang maliliit na negosyo, na maipakilala at maibenta ang kanilang mga produkto sa mas maraming mamimili.

Inaasahan ding makatutulong ang bazaar sa pagpapalawak ng merkado para sa mga lokal na produkto, pagpapalakas ng kabuhayan at pagsuporta sa paglago ng ekonomiya ng lungsod.

Inaanyayahan ang publiko na bisitahin ang food bazaar at trade fair upang matikman ang mga lokal na pagkain, mamili ng mga produkto at suportahan ang mga negosyanteng Dasmarineño.

Bahagi ito ng pagdiriwang sa ilalim ng temang “Sulong Na, Sulong Pa Dasmariñas!” na naglalayong isulong ang lokal na negosyo at bigyang-pansin ang mga produkto at kakayahan ng mga mamamayan ng lungsod. #

Photo courtesy to the rightful owner


Discover more from CALABARZON TRENDS

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from CALABARZON TRENDS

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading