PUYAT KABA PALAGI?
Ang madalas na pagpupuyat at kakulangan sa tulog ay maaaring makaapekto sa kalusugan at kakayahan ng isang tao na gampanan ang pang-araw-araw na gawain. Kabilang sa mga karaniwang epekto nito ang hirap sa konsentrasyon, mahinang memorya, pagkapagod, pagiging iritable at pagbaba ng produktibidad sa trabaho o pag-aaral.
Kapag naging palagian, maaari ring tumaas ang panganib ng ilang sakit tulad ng altapresyon, diabetes at sakit sa puso.
Upang maiwasan ito, mahalagang magkaroon ng regular na oras ng pagtulog at paggising, limitahan ang paggamit ng cellphone bago matulog, at iwasan ang kape at energy drinks sa hapon at gabi. Makabubuti rin ang regular na ehersisyo at pagpapanatiling tahimik, madilim at komportable ng silid-tulugan.
Inirerekomenda sa mga nasa hustong gulang ang pito hanggang siyam na oras na tulog bawat gabi upang mapanatili ang maayos na paggana ng katawan at isip.
Kung madalas makaranas ng hirap sa pagtulog o patuloy na pagkapagod kahit sapat ang pahinga, ipinapayong kumonsulta sa doktor.
Tandaan, ang sapat na tulog ay mahalagang bahagi ng pangangalaga sa kalusugan. Hindi lamang nito pinananatiling malakas ang katawan, nakatutulong din ito upang maging alerto, produktibo at handa sa mga gawain araw-araw. #
Discover more from CALABARZON TRENDS
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply