DASMARIÑAS CITY, CAVITE — Nakatakdang magbukas sa 2027 ang bagong campus ng Our Lady of Fatima University (OLFU) sa Barangay Sampaloc IV, Congressional Avenue, na magiging ikapitong campus nito sa bansa at ikalawa sa South Luzon.
Sinimulan ang konstruksyon ng campus sa pamamagitan ng groundbreaking ceremony noong Marso. Inaasahang mag-aalok ito ng mga kursong Nursing, Pharmacy at Medical Laboratory Science, gayundin ng iba pang non-medical programs at basic education.
Layunin ng bagong campus na palawakin ang access sa de-kalidad na edukasyon para sa mga estudyante sa Dasmariñas at karatig-lugar.
Matatagpuan ito sa tinatawag na University Belt ng lungsod, na lalo pang magpapatibay sa papel ng Dasmariñas bilang isa sa mga pangunahing sentro ng edukasyon sa Cavite at South Luzon.
#CalabarzonTrends
#dasmarinascavite
Discover more from CALABARZON TRENDS
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply