TANZA, CAVITE — Umabot sa 8,849 ang job vacancies na inilaan para sa mga naghahanap ng trabaho sa isinagawang “Tara Trabaho, G!” Job Fair sa Vista Mall Tanza, Cavite.
Lumahok sa aktibidad ang 38 lokal na kumpanya at isang international recruitment agency na nag-alok ng iba’t ibang trabaho sa iba’t ibang industriya, mula sa entry-level hanggang sa mga espesyalisadong posisyon.
Nagkaroon ng pagkakataon ang mga aplikante na direktang makipag-ugnayan sa mga employer, magsumite ng résumé at sumailalim sa on-the-spot interviews.
Isinagawa ang job fair sa pakikipagtulungan ng Office of the Provincial Governor, Public Employment Service Office (PESO), Office of Senator Win Gatchalian at DOLE Cavite.
Layunin ng programa na mailapit ang mga oportunidad sa trabaho sa mga Caviteño, mapalawak ang access sa hanapbuhay at makatulong sa pagpapalakas ng lokal na ekonomiya. #
Discover more from CALABARZON TRENDS
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply