LAGUNA — Nasungkit ng Laguna Sampaguita Queens – Women’s 14U ang kampeonato sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) Regional Championship matapos talunin ang mga kinatawan ng Quezon, Batangas, at Oriental Mindoro.
Dahil sa kanilang ipinamalas na husay, disiplina, pagtutulungan at determinasyon, matagumpay na naiuwi ng batang koponan ang regional championship title at karangalang kumatawan sa buong lalawigan ng Laguna.
Bilang regional champions, nakatakdang lumahok ang Laguna Sampaguita Queens sa National Juniors Championship – National Finals mula Disyembre 6 hanggang 12, 2026, kung saan makakaharap nila ang iba pang mahuhusay na koponan mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.
OFFICIAL PLAYER ROSTER
Laguna Sampaguita Queens – Women’s 14U
- Krizha Nicole P. Besin
- Ayesha Mae Armentia Ortega
- Shane Angel C. Tipgos
- Reiny Rose C. Gatus
- Klaine M. Cadiz
- Samantha Dale Copioso Gonzales
- Liona Kasey Rizada
- Jean Erisha T. Santos
- Audrey Zabinah B. Evangelista
- Rylee Nicole Barcenilla
- Zone 4A Provincial Director: Marvin Gale Dale
COACHING STAFF
- Head Coach: Arvin Natindim
- Assistant Coach: Luisito Doroteo
- Team Coordinator: Kywart Rizada
NATIONAL FINALS – GIRLS DIVISION
Mga kalahok na koponan at kani-kanilang zone:
- La Union – Zone 1
- Apayao – Zone 2
- Bulacan – Zone 3
- Laguna – Zone 4
- Albay – Zone 5
- Iloilo – Zone 6
- Dumaguete – Zone 7
- Cebu – Zone 8
- Tacloban – Zone 9
- Pagadian – Zone 10
- Cagayan de Oro – Zone 11
- Davao – Zone 12
- South Cotabato – Zone 13
NATIONAL FINALS SCHEDULE
- Disyembre 6: Arrival of Teams
- Disyembre 7–10: Group Stage
- Disyembre 11: Battle for 3rd Place, Championship Finals at Awarding Ceremony
- Disyembre 12: Departure of Final Phase Teams
Venue: Gameville Ball Park & Central Park
Bitbit ang pangalan at karangalan ng Laguna, haharap ang Sampaguita Queens sa pinakamahuhusay na batang women’s basketball teams sa bansa sa hangaring makamit ang pambansang kampeonato.
Isang tagumpay na patunay na kayang makipagsabayan ng mga batang atletang Laguna sa larangan ng pambansang palakasan!
#CalabarzonTrends
Discover more from CALABARZON TRENDS
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply