CAVITE-LAGUNA — Target buksan sa unang linggo ng Disyembre ang mga bagong bahagi ng Cavite-Laguna Expressway (CALAX) at koneksiyon nito sa CAVITEX upang mapabilis ang biyahe at mabawasan ang trapiko.
Inaasahang mapaiikli mula 1.5 oras tungong 15 minuto ang biyahe mula Governor’s Drive sa General Trias hanggang Kawit, habang mula mahigit dalawang oras ay magiging tinatayang 45 minuto naman ang biyahe sa pagitan ng Cavite at Laguna.
Nasa 97 porsiyento na ang konstruksyon ng proyekto na inaasahang makatutulong sa humigit-kumulang 30,000 motorista. Mababawasan din ang pagsisikip ng trapiko sa Aguinaldo Highway, Governor’s Drive at iba pang pangunahing kalsada.
Inaasahan ding mapalakas ng bagong koneksiyon ang kalakalan at ekonomiya ng Cavite at Laguna dahil sa mas mabilis na biyahe patungo sa mga industrial zone at sentrong pangnegosyo. #
Discover more from CALABARZON TRENDS
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply