TANZA, CAVITE — Hindi na sisingilin ng bayad ang taunang renewal ng prangkisa ng mga tricycle operator and drivers association (TODA) at mga mangingisdang may bangka sa Tanza, bilang bahagi ng programa ng lokal na pamahalaan na naglalayong mapagaan ang gastusin ng mga ito.
Layunin ng libreng renewal na mabawasan ang pinansiyal na pasanin ng mga tsuper at mangingisda, mapangalagaan ang kanilang kabuhayan, at makapaglaan ng mas malaking bahagi ng kanilang kita para sa pangangailangan ng kanilang pamilya.
Ayon sa pamahalaang bayan, bahagi ito ng patuloy na pagsusulong ng mga programang nagbibigay ng libreng serbisyo at direktang tulong sa mga mamamayan, lalo na sa mga sektor na umaasa sa pang-araw-araw na hanapbuhay. #
Discover more from CALABARZON TRENDS
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply