Posibleng magkaroon ng bagong oportunidad sa trabaho sa Slovenia para sa mga Pilipino sa ilalim ng planong government-to-government recruitment program, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).
Kabilang sa mga pinag-uusapang trabaho ang caregiving at iba pang posisyon sa long-term care sector, bilang bahagi ng pagpapalakas ng labor cooperation ng Pilipinas at Slovenia.
Ayon sa DMW, binubuo pa ang mga alituntunin para sa naturang programa sa ilalim ng umiiral na bilateral labor agreement ng dalawang bansa.
Wala pang inilalabas na iskedyul ng recruitment, bilang ng bakanteng trabaho, kwalipikasyon at sahod para sa mga aplikante.
Batay sa datos ng DMW, nasa 413 Pilipino ang kasalukuyang naninirahan at nagtatrabaho sa Slovenia.
Pinapayuhan ang mga interesadong aplikante na hintayin ang opisyal na anunsiyo ng DMW bago magproseso ng aplikasyon at mag-ingat sa mga hindi awtorisadong recruitment offer.
SOURCE: PhilStar.com
Discover more from CALABARZON TRENDS
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply