NASUGBU, BATANGAS — Arestado ang 11 Chinese nationals at isang Filipino matapos salakayin ng mga awtoridad ang isang establisimyentong pinaghihinalaang ginagamit sa ilegal na operasyon ng scam sa Nasugbu, Batangas.
Ayon sa Batangas Police Provincial Office, isinagawa ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon tungkol sa umano’y operasyon ng establisimyentong walang kaukulang business permit.
Sa isinagawang inspeksyon, hindi nakapagpakita ng mga pasaporte ang 11 Chinese nationals nang hingan sila ng pagkakakilanlan at kaukulang dokumento.
Nasamsam naman ng mga awtoridad ang 36 na computer equipment, isang caliber .45 pistol, apat na magazine at mga bala.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Nasugbu Police ang 12 naaresto habang inihahanda ang mga kaukulang kaso laban sa kanila.
Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang lawak ng umano’y ilegal na operasyon at posibleng iba pang paglabag ng mga suspek.
Source: Batangas Police Provincial Office
Discover more from CALABARZON TRENDS
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply