Advertisement

₱3.4-MILYONG HALAGA NG HINIHINALANG SHABU, NASAMSAM SA OPERASYON SA DASMARIÑAS; TATLO ARESTADO

DASMARIÑAS CITY, CAVITE — Tatlong indibidwal ang naaresto matapos masamsaman ng humigit-kumulang 500 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱3.4 milyon sa isang anti-drug operation noong Linggo, Nobyembre 8.

Pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 4A Special Enforcement Teams 1 at 2, katuwang ang PNP Cavite Maritime Group, ang operasyon.

Kinilala ang mga suspek sa mga alyas na Amir at Jamala, kapwa 51-anyos, at Amira, 46-anyos. Nakumpiska sa kanila ang limang pakete ng hinihinalang shabu.

Dinala ang mga suspek at ebidensya sa tanggapan ng PDEA sa Santa Rosa City, Laguna, habang inihahanda ang mga kasong isasampa laban sa kanila kaugnay ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. #RPB


Discover more from CALABARZON TRENDS

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from CALABARZON TRENDS

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading