Advertisement

MGA EMPLEYADO NG GOBYERNO, TATANGGAP NG ISANG BUWANG BONUS AT ₱5K CASH GIFT

MANILA — Matatanggap ng mga kwalipikadong empleyado ng pamahalaan ang kanilang Year-End Bonus na katumbas ng isang buwang basic salary, kasama ang ₱5,000 cash gift, sa unang payday ngayong Nobyembre.

Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), naglaan ang pamahalaan ng ₱82.998 bilyon para pondohan ang benepisyo ngayong 2026.

Saklaw nito ang mga kwalipikadong sibilyan, militar at uniformed personnel, kabilang ang mga kawani ng local government units (LGUs), state universities and colleges (SUCs), at government-owned or controlled corporations (GOCCs).

Batay sa DBM Budget Circular No. 2024-3, kailangang nakapaglingkod nang hindi bababa sa apat na buwan mula Enero 1 hanggang Oktubre 31, 2026, at nananatili sa serbisyo hanggang Oktubre 31 upang matanggap ang buong benepisyo.

Maaari ring makatanggap ng prorated bonus at cash gift ang mga nagretiro bago ang Oktubre 31, basta’t nakapaglingkod nang hindi bababa sa apat na buwan ngayong taon. #RPB


Discover more from CALABARZON TRENDS

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from CALABARZON TRENDS

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading