Magkakaroon ng pansamantalang water interruption sa ilang lugar sa Metro Manila, Rizal at Cavite ngayong linggo dahil sa emergency repairs at maintenance activities ng mga water concessionaire na Manila Water at Maynilad Water Services, Inc.
Narito ang mga apektadong lugar at iskedyul:
MANILA WATER
Cainta, Rizal: Bahagi ng Barangay San Juan — Nobyembre 10, alas-10 ng gabi hanggang Nobyembre 11, alas-4 ng madaling-araw.
Cainta at Taytay, Rizal: Barangay San Juan sa Cainta at Barangay Sta. Ana at San Juan sa Taytay — Nobyembre 10, alas-10 ng gabi hanggang Nobyembre 11, alas-4 ng madaling-araw.
Quezon City: Barangay Bagumbuhay — Nobyembre 10, alas-11 ng gabi hanggang Nobyembre 11, alas-4 ng madaling-araw.
Angono, Rizal: Ilang bahagi ng Barangay San Vicente at Sto. Niño — Nobyembre 11, alas-10 ng gabi hanggang Nobyembre 12, alas-4 ng madaling-araw.
MAYNILAD
Bacoor City, Cavite: Molino I hanggang IV, Molino VI at VII, Queens Row Central, East at West, at San Nicolas III — Nobyembre 12, alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-4 ng hapon.
Imus City, Cavite: Pasong Buaya I at II — Nobyembre 12, alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-4 ng hapon.
Las Piñas City: Almanza Uno, Pilar, Talon Uno, Talon Dos at Talon Singko — Nobyembre 12, alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-4 ng hapon.
Muntinlupa City: Alabang, Bayanan, Poblacion, Putatan at Tunasan — Nobyembre 12, alas-12 ng tanghali hanggang alas-11:59 ng gabi.
Parañaque City: BF Homes, Marcelo Green, San Antonio at San Isidro — Nobyembre 12, alas-8 ng umaga hanggang alas-11 ng gabi.
Pinapayuhan ang mga residenteng maaapektuhan na mag-ipon ng sapat na tubig para sa kanilang pangangailangan habang isinasagawa ang mga pagkukumpuni at maintenance. #RPB
#CalabarzonTrends
Discover more from CALABARZON TRENDS
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply