CAVITE — Nakikipag-ugnayan na ang Provincial Comelec Division ng Cavite sa mga lokal na pamahalaan at iba’t ibang ahensya ng gobyerno bilang paghahanda sa pagsisimula ng voters registration sa Nobyembre 10, 2026.
Sa panayam ng Cavite Press Corps., kay Atty. Mitzelle Veron L. Morales-Castro, Provincial Election Director ng Cavite, aniya, isinasagawa na rin ang pagpapalaganap ng impormasyon sa pamamagitan ng mga pangunahing TV at radio network, print media, at local media partners sa lalawigan ng Cavite.
Sa ngayon, sa mga lokal na tanggapan ng Comelec muna isasagawa ang pagpaparehistro. Pinag-aaralan pa ang posibleng paglalagay ng registration sites sa mga mall, depende sa magiging kasunduan sa mga mall operators.
Pinayuhan din ang mga hindi pa nakaboto at mga lilipat ng presinto na makipag-ugnayan sa kanilang local Comelec office upang maiwasan ang pagkaantala sa kanilang pagpaparehistro.
Para sa karagdagang detalye at anunsyo, hinihikayat ang publiko na subaybayan ang opisyal na social media accounts ng Comelec Cavite. #RPB
Discover more from CALABARZON TRENDS
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply