Pinag-aaralan ng Department of Agriculture (DA) at DALI Everyday Grocery ang pakikipagtulungan upang magkaroon ng direktang merkado ang mga magsasaka at mapataas ang kanilang kita.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, maaaring magsilbing pamilihan ang mahigit 1,400 sangay ng DALI para sa mga lokal na produktong agrikultural.
Naghahanap ang kumpanya ng mga kooperatiba at magsasakang magsusuplay ng gulay. Pinag-aaralan din nito ang pagtatayo ng mga bodega malapit sa Benguet at Pangasinan upang mapadali ang paghahatid ng mga ani sa mga tindahan nito.
Ayon sa DA, makatutulong ang posibleng kasunduan upang magkaroon ng mas matatag na bentahan ang mga magsasaka at mabawasan ang pag-aaksaya ng mga gulay dahil sa kawalan ng merkado. #
#CalabarzonTrends
Discover more from CALABARZON TRENDS
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply