Advertisement

50 Hanggang 100 Bahay, Natupok sa Sunog sa Pasay; Walong Aso Patay

PASAY CITY — Hindi bababa sa 50 hanggang 100 bahay ang natupok matapos sumiklab ang sunog sa P. Dandan Street, Barangay 51, Pasay City nitong Sabado ng hapon.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog dakong alas-2:30 ng hapon at mabilis na kumalat sa mga magkakadikit na bahay na karamihan ay yari sa light materials.

Dahil dito, agad itong itinaas sa ikatlong alarma at mahigit 30 fire trucks ang rumesponde upang apulahin ang apoy. Wala namang naitalang nasawi o nasugatan sa insidente. Gayunman, labis na nagdadalamhati ang residenteng si Mark Enrera matapos masawi sa sunog ang kanyang walong alagang aso.

Ayon kay Barangay Chairman Rafael Ramos, pangalawang sunog na ito sa kanilang lugar ngayong taon.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang eksaktong bilang ng mga pamilyang naapektuhan. Pansamantalang inilikas ang mga nasunugan sa gymnasium ng isang paaralan sa kalapit na barangay na nagsisilbing evacuation center.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng BFP upang matukoy ang sanhi ng sunog at ang kabuuang halaga ng pinsala. #RPB


Discover more from CALABARZON TRENDS

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from CALABARZON TRENDS

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading