SAN PABLO CITY, LAGUNA — Isang lokal na start-up company ang naglunsad ng PINDOT App, na tinaguriang kauna-unahang tricycle-hailing mobile application sa Pilipinas, upang gawing mas mabilis, ligtas at episyente ang pagbiyahe gamit ang tricycle.


Inilunsad ng PressItNowCo. ang aplikasyon noong Hulyo 26 sa Barangay III-B, San Pablo City, Laguna.
Layunin nitong matugunan ang ilang karaniwang problema ng mga commuter sa paggamit ng tricycle, kabilang ang mataas na pamasahe, pagtanggi ng ilang driver sa pasahero dahil sa destinasyon o kargamento, at tinatawag na “cutting trips.”
Sa pamamagitan ng PINDOT, maaaring mag-book ng tricycle ang pasahero gamit ang real-time booking at driver matching batay sa lokasyon. Maaari ring ilagay sa app ang bilang ng pasahero at kung may dalang mabigat na gamit o kargamento.
Awtomatikong naitatala rin sa sistema ang mga detalye ng biyahe, na maaaring makatulong sa mas maayos na monitoring, transparency at kaligtasan ng mga pasahero.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng San Pablo, mayroon nang 368 rehistradong tricycle drivers at 555 registered users ang PINDOT sa oras ng paglulunsad.
Bukod sa ride-hailing, nag-aalok din ang app ng “Padala” para sa delivery services, “Pitaka” para sa cashless at digital payments, at “Pabili” para sa online purchases.
Ayon sa Philippine Chamber of Commerce and Industry–San Pablo City, hindi lamang booking app ang PINDOT kundi isang plataporma para sa karagdagang kabuhayan at negosyo, habang nagbibigay ng mas ligtas at maginhawang transportasyon sa mga commuter. #RPB
Source: OPINYON.NET
Discover more from CALABARZON TRENDS
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply