Advertisement

Rider at Pasahero, nag-counterflow; 1 Patay!

Patay ang isang lalaking rider at kritikal ang angkas nito matapos mag-counterflow ang kanilang sinasakyang motorsiklo at sumalpok sa kasalubong na bus sa kahabaan ng A. Soriano Highway, Brgy. Calibuyo, bayan ng Tanza, Cavite.

Ayon sa mga saksi, nag-counterflow ang rider dahilan upang magtagpo ang motorsiklo at ang Ata Liner Bus na may plakang DZ6500 at minamaneho ni alyas Renato, 42-anyos, residente ng Ternate, Cavite.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng nasawing biktima na tinatayang nasa edad 25-30, habang inoobserbahan naman ang kondisyon ng kanyang angkas (pasahero) na nasa edad 18-25. #RBM

News Source: Pilipino Star Ngayon


Discover more from CALABARZON TRENDS

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from CALABARZON TRENDS

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading