Advertisement

Las Pinas General Hospital and Satelite Trauma Center, Inilunsad

Inilunsad ang bagong gusali ng Las Piñas General Hospital and Satellite Trauma Center kamakailan, isang proyekto na pinangunahan ni Rep. Camille Villar na tumatakbo bilang senador para sa May 2025 elections, upang mapalawak ang kapasidad ng ospital mula 200 hanggang 500 beds.

Ang proyektong ito ay naging posible sa ilalim ng Republic Act No. 11497, isang batas na isinulong ni Villar sa 18th Congress.

Ayon sa kanyang pahayag, layunin niyang tiyakin ang mas abot-kaya, dekalidad, at accessible na serbisyong medikal para sa bawat Pilipino, na nagsisilbing hakbang patungo sa mas malusog at mas maunlad na bansa.

“Naniniwala tayo na ang isang malakas at epektibong healthcare system ay susi sa mas magandang buhay para sa ating mamamayan. Patuloy tayong magsusulong ng mga batas at programa na magbibigay ng mas accessible, abot-kaya, at dekalidad na serbisying medikal para sa lahat!” Pahayag ni Villar sa kanyang Facebook post.


Discover more from CALABARZON TRENDS

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from CALABARZON TRENDS

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading