Advertisement

“BEYOND PET LOSS BILL,” ISINUSULONG SA KAMARA PARA SA MARANGAL NA PAGTRATO SA MGA YUMAONG ALAGANG HAYOP

Isinusulong sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill No. 11785 o “Beyond Pet Loss Bill,” na naglalayong magtakda ng malinaw na pamantayan sa wastong paghawak, cremation, paglilibing at iba pang serbisyong may kaugnayan sa mga labi ng alagang hayop.

Inihain ni FPJ Panday Bayanihan Party-list Rep. Brian Poe ang panukala, katuwang ang Animal Kingdom Foundation (AKF), upang matiyak ang makatao at marangal na pagtrato sa mga alagang hayop kahit matapos ang kanilang buhay.

Layunin din nitong palakasin ang pananagutan ng mga veterinary clinic at service provider upang maiwasan ang hindi wastong paghawak at pagtatapon sa mga labi ng mga hayop.

Nagpahayag din ng suporta sa adbokasiya ang aktor na si John Arcilla bilang panawagan sa pagkilala sa dignidad at kapakanan ng mga hayop.

Para sa mga fur parent, bahagi na ng pamilya ang kanilang mga alagang hayop kaya nararapat lamang na mabigyan ang mga ito ng maayos at marangal na huling pamamaalam.

Leave a Reply

Discover more from CALABARZON TRENDS

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading