[PRESS RELEASE]
Gagawaran ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) si Rexon Hora Gaston ng KWF Mananaysay ng Taon 2026 pรกra sa kaniyang sanaysay na: โAng Paglimot sa Panahon ng Pag-alala: Paniyaw, Ngilin, at Bain sa Panahon ng Artificial Intelligence.โ Makatatanggap siyรก ng PHP30,000.00 (net), plake, at medalya.
Nagwagi naman si Emersan D. Baldemar ng Ikalawang Gantimpala pรกra sa kaniyang sanaysay na โMebuayaan at Kadatngan: Ang Paradalumat ng Hinuha Bรญlang Lohos-Matris ng Artificial Intelligence at Balatuwas sa Kapwadunong, Nakem, at Kapantayang Epistemiko ng Wikang Filipino.โ Makatatanggap siyรก ng PHP20,000.00 (net) at plake.
Nanalo rin si Mark Anthony S. Angeles ng Ikatlong Gantimpala sa kaniyang sanaysay na โArtipisyรกl maโy Nakikipagkรกpuwรข: Artificial Intelligence at ang Buhรกy na Wikร ’t Dรกnas ng Filipรญno.โ Makatatanggap siyรก ng PHP15,000.00 (net) at plake.
Si Rexon H. Gaston ay kasalukuyang Assistant Professor sa Kalinga State University na nagtuturo ng mga asignaturang Kontekstuwalisadong Komunikasyon sa Filipino, Art Appreciation, The Life and Works of Rizal, Indigenous Knowledge Systems and Practices (IKSP), at Language and Literature. Nagwagi rin siya ng โMost Creative Short Story of the Yearโ sa Instabright Third National Literary Award noong 2024. Nagsusulong siya ng pagpapalaganap ng wikang Filipino, ISKP, ingklusibong edukasyon, at mga pedagohiyang pangkultura.
Ang Sanaysay ng Taon ay taunang patimpalak ng KWF na naglalayong himukin ang mga natatanging mananaysay ng bansa, na ilahok ang kanilang mga sanaysay. Ang paksรข ngayong taon ay tungkol sa tema ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026 na โWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.โ
Ang Bunyi: KWF Gabi ng Parangal 2026 ay gaganapin sa 27 Agosto 2026.
Source: Komisyon sa Wikang Filipino
Discover more from CALABARZON TRENDS
Subscribe to get the latest posts sent to your email.











Leave a Reply